Friday, January 02, 2009

Best Christmas

Best Christmas

Yesssss!!!!!!!!! After the long holidays and the stress that the Christmas rush (toxicity of buying gifts for my friends and family and my NANA) has brought into my system, magblolog na ko ulit! Yehey!

Nasa perpetual duty ( 8 days sa hospital ng walang uwian) ang nana ko and presently savoring his midazolam induced sleep after 4 days of continuously attending to ER patients kaya may time ako magsulat dahil walang text from him and walang surprise calls to release his stress…sleep tight nana…

This is the best Christmas of my life. I have my family with me, a good job, real friends, new friends ( care of nana like margaux, ara, paula, wapi, pia, lea, jason, igan, amee, jim, frank, nina, at madami pang iba!) and of course, my nana. The past years have just been so-so because I don’t have the complete “menu” (as stated above) in order for me to brand my past Christmases as “great” holiday seasons. I have a lot of things to thank God for and I never fail to take some quiet moments every now and then to thank HIM for everything that He has given me, my nana, and my family for the past year.

I got tons of gifts from friends, colleagues (puro alak naknampocha!) and from my nana too….In fact, pati mga pamangkin ko merong gift from him…Thank you sa watches na colorful para sa mga pamangkin ko…. Thanks sa madaming madaming chocolates and Danish cookies and acca kappa cologne, sa olay moisturizer, sa Armani bracelet, sa angel and devil dicks (rated PG to!) , sa madaming toothpaste na sensodyne at astring osol lozenges, sa mga toys and clothes for kuya jing’s kids, sa prep H for my dad, and of course, sa pagmamahal! Nakanaaaaaahhhhh! God knows how thankful I am coz I have my nana with me for he is very supportive of the simple acts of charity that we have been extending to the less privileged people that we personally know. I’m glad that he has the heart to care for them too. Swerte ko talaga sa nana ko. Kahit gano ka toxic yan sa hospital, he really finds time to be of assistance to anyone who needs help. Kahit nga ako, tinoxic ko nana nung magdodonate kami ng slightly used clothes sa mga nangangailangan. Isang sabi ko lang na “ sige na nana, mag ayos ka na ng closet mo and lahat ng mga damit na ayaw mo na, donate na natin, pretty please?”….and he actually did kahit na puyat and from duty yan! He never fails to amaze me…The past 11 months (almost) that we’re together, I’m always in awe to learn more about his true self. May mga patakaran pala siya sa buhay na nakakatuwa (like dapat by 6:30 nag dinner na, dapat mag yawn na siya ng 8:30 pm para by 9:00 pm tulog na siya, dapat hindi na kumakain beyond 7 pm, etc etc) and may mga patakaran din siyang mahilig mamroblema sa mga bagay bagay kahit hindi pa nangyayari. Hahahaha….He’s still a baby in many aspects but when it comes to assigning tasks and responsibilities, he’s damn good in handling them. Makulit yan, sumasagot ng pabalang, hindi nakikinig minsan, opinionated, mayabang, pero sobrang responsible and he never leaves challenging tasks without resolutions. Madaming sasabihin yan sa mga pinapagawa ko sa kanya pero at the end of the day, susunod din.  The more I get to know him, the more I love my nana talaga. These could be the reasons why he is surviving his residency now. And I know that these traits will be of great aid for him to go through the program at OM.

We are doing a lot of sacrifices now ( we refrained from out of town/country trips kahit na mahaba ang bakasyon, no drinking sprees coz baka hindi makapag duty ang nana, etc. ) due to his perpetual duty but I know that in due time, we will be reaping the fruits of his labors. Lagi ko ngang sinasabi sa nana na konting tiis lang. Lahat naman ng pinaghihirapan eh may bunga. Sabi ko nga sa kanya in jest na “ pagbutihan mo ang residency program mo para pag consultant ka na, mapag aral natin ang mga bata sa matinong iskwelahan at hindi lang sa mababang paaralan ng santa henobeba”.Hehehe….Just trying to make him smile amidst his toxicity at work.

It feels great to know that I have someone in my life now that I constantly think of making happy. Parang regalo talaga siya sa buhay ko….Before Christmas, he kept on asking me kung ano gusto ko na gift. Sabi ko nga, siya pa lang, gift na from God. Ayaw maniwala. Kaya nga pag magkasama kami, I have this habit of treating him like a gift. Lahat kasi ng regalo na natatanggap ko, I take time to examine them closely. Para akong bata na paulit ulit tinitignan ito. Inaappreciate. Ganun din ako sa nana ko…..I always make kalikot. Sa teeth nya kung ano dapat pastahan at ipabunot dahil hobby niya ang magpatanggal ng molars, sa buhok niya kung ano dapat ipagupit, sa mukha niya kung ano dapat i-shave, sa ilong niya na gusto niya ipa rhino kahit di naman kailangan, sa kamay niya na unti unti ng tumataba ang fingers, sa paa niya na ang liit at ang cute tignan, sa mga kuko niya na parang mga buhay na tao bawat isa, at sa marami pang bagay at sa lahat lahat sa kanya….. Wala ako nito nung mga nakaraang Pasko kaya I consider this season as the best one that I ever had. Mahal ko talaga nana ko maging ano ka man, este sino ka man! (Ginawa talagang bagay na regalo literally waaaaaahhh!)

Thank you for being my nana… thank you for the gift of love and care…...Love ko nana ko with all my heart!

No comments: