Monday, January 19, 2009

Best Birthday with my Nana and Friends

I’m still "high" because of what Nana did to make this birthday of mine very special. Ive been telling him na wag na siya mag regalo coz his mere presence in my life is God’s greatest gift to me. Kaso ang kulit niya talaga! Tsk! He handed over his gifts to me a few minutes after we checked in sa Manila. Mukhang naawa na ang nana sa lumang bag ko kaya pinalitan na niya ng Girbaud na black leather bag...mas mukhang pang executive daw according to Nana! hahahaha...maganda pa naman yung Banana Rep ko na bag ha! Pati wallet ko na siya rin ang nagbigay nung 3rd monthsary namin, pinalitan din niya ng bago kasi masyado na daw gamit yung dati..hehehehe....Thanks sa mga gifts mo nana. Thanks for being sensitive at maawain sa asawa mo pag naluluma na mga gamit ko!:-)

Next, natulog muna kami ng hapon. I know he's very tired kasi from duty pa siya at nag OR pa sila nung morning. Ayaw pa niya mag lunch kasi lagpas na ng 12noon. Siguro mga 2 hours din kami natulog. I told him na mag dinner kami sa Friday's coz I was craving for Mocha Mud Pie but he kept on texting and texting a lot people. Tunog ng tunog ang celphone ng nana! Kakairita! Mag KTV daw kami kasi alam niya hilig ko yun pero wala ako sa mood coz I was also drunk the previous night dahil sa office celebration naman namin ng mga January birthday celebrants. Sabi ko siya na lang kung gusto niya. Nagmamakaawa talaga ang nana! Alam mo yung nagpapaawa ng mukha? Hahaha! Di naman nakakaawa. Pero sabi ko sige na nga. So finally, I gave in to his request na sa Macapagal highway kami mag KTV at dinner na din. Panay pa ang tantrum ko sa kotse kung bakit dun pa, bakit kakanta pa, bakit sa matraffic pa na lugar, blah blah blah…Natatawa lang ang maldito kong asawa…. Ayun pala, to my surprise, nandun pala ang mga friends naming!!!!!!!!!.I was so happy to see Paula, Wapi, Pia and Tim...ininvite pala lahat ng nana ng friends kaso silang 4 lang ang nakarating but it really made my pre birthday celebration extra special! Nagpareserve na pala sila sa KTV bar na yun a few days back and it was really touching coz I know he exerted a lot of effort dahil toxic talaga siya sa hospital lately. Thanks talaga nana. sobrang kakataba ng puso and ang sarap pala magkaasawa ng kahit na maldito at mayabang, eh mahilig sa surprises at talagang pinagplaplanuhan ang lahat! Sabi ko kasi sa nana, ayoko ng surprises. I find it corny. Pero iba pala kapag ang nana ko ang dumiskarte. Medyo nagkakaron ng konting excitement! Konti lang ha! Hihihihi! Kasi yayabang na naman lalo yan! 

We really had a great time sa kakainom, kakakain at kakakanta lalo na ang pinaka mabili sa lahat ng mga song numbers nung gabing yun…ang kantang HIRAM ni Pia! May nginig pa sa dulo at papikit pikit pa. Sinundan pa ng Saving All My Love for You….talaga nga naman oh!…first time ko rin nameet si Tim and since halos magka age kami, can relate kami sa mga songs nung 80s.hahahaha…we had a great time talaga. Lahat sila ang galing kumanta. Si Wapi bumabanat ng ALONE…si Paula MYMP ang boses…Si Pia, ZSA ZSA PADILLA si Tim, FREDDIE MERCURY ng QUEEN…And ang nana, as usual, LAHAT KINAYA! Hahahaha…ang saya talaga sobra..thanks sa inyong lahat kung mabasa nyo man ang blog na ito….nag coffee muna kami nila wapi at pia and nana before umuwi and as usual, daming kwento na nakakatuwa….sobrang enjoy and sobrang nakakataba ng puso…the past months that I have been meeting and going out with my nana’s friends, they have turned out to be my close friends too coz I know how good hearted they all are. Mga cool kasama, sensible, walang hang ups, and sobrang sincere in expressing their gratitude coz now, they are introduced and now a part of my corporate medicine practice. I will always be here for them, no matter what….kahit anong racket, ibibigay ko sa kanilang lahat!:-)

Afterwards, I told Nana medyo nagugutom ako ulit. Alam ko wala sa prinsipyo ng nana na kumain ng midnight snack but since its my birthday, napapayag ko ang little boy ko! Hahahaaha….so kain muna ulit kami sa shakeys…busog sobra! Grabe. Gluttony na daw yung ginagawa ko per my nana’s declaration. E sa nagugutom pa ko eh…sabi ko nga sa nana, mahirap matulog ng gutom! Hahahaha….Pag kasama ko asawa ko, di ako makapag diet.Lagi ako nagugutom!

Balik sa hotel and then kwentuhan till umaga….May problema lang…pag yumakap na ang nana, wala na yan…maghihilik na yan in 2 minutes….parang bata pa talaga. Ang dali niya gumawa ng ikaantok at ikatutulog nya! Tsk! I tried to wake him up coz I saw on Australian channel ang isang cranial and maxillofacial modification ng isang pedia patient na may microcephaly…ang galing! Kaso dineadma ng nana kaya sorry siya, di niya nakita kung pano na modify yung bone structure nung bata!hehehe.

Early brunch lang kami then we headed to lea’s place…may kukunin daw na book ang nana coz mag aaral daw siya regarding otitis media. Sabi ko, “Ampota. Ang dami naming pwedeng hanapan ng journals and articles about otitis media!”. Nagtataka ako kung bakit pupunta pa sya sa Quezon City and pwede namang magkita sila ni lea sa hospital on Monday! Sometimes my nana gets really irrational. Na hello ako sa diskarte nya na yun. Tsk! So finally, nandun na kami kina Lea na place. Pilit na naman ako pinababa ng nana. Nahihiya ako kasi baka nandun ang mga kapatid ni Lea hehehe…so sa parking palang ng house nila lea, she gave the xmas gifts that she and Igan (her bf) bought for us. When I finally entered their house, I was surprised to see a maltese puppy na may ribbon sa neck…I’m a dog lover and my nana knows that. I was then introduced to Lea’s sisters. Then one of them kidded that the puppy is mine daw. “Huh??”was my reaction. WITH A SMILE ON MY FACE (kasi sumama agad sa kin yung puppy named JJ, and to be polite enough to ride on to that joke na sa kin na yung puppy dahil hindi talaga ko naniniwala), I carried the puppy and placed it on my lap….sobrang sweet nung doggie talaga! My nana, lea and her sisters kept on telling me na akin daw yung dog….birthday gift daw sa kin! I kept asking “hindi nga?????hindi nga talaga??? Akin na to????” medyo namumula na ko sa nararamdaman kong hiya at excitement at tuwa! Abot tenga daw ngiti ko sabi ng nana! .di ako makapaniwala…kala ko joke time pero i was really happy kasi finally, may kalaro na yung aso kong unti unti ng tumatanda! Hahahaha….hanggang nung nakasakay na kami sa kotse ng nana, di ako makapaniwala na I have a dog for my birthday!ang saya talaga!Mahal na mahal talaga ko ng nana! Talaga daw pinagpilitan ng nana na sa kin na lang ibigay ni lea yung puppy kesa sa isang consultant nila hahahaha! Thanks sa inyong dalawa!thanks sa sisters mo lea! So pag uwi namin sa house, lahat ng tao tuwang tuwa kay JJ. Para kaming may new baby sa house. Lahat niyakap, kinarga, and pinag shopping namin agad ng dog food, shampoo, soap, powder, etc.etc. It really made our day so meaningful. Lahat gusto hingiin si JJ, ang bago kong aso! Hehehe…no way…galing sa nana ko yan ( and kay lea!) kaya magtyaga na lang sila sa mga guard dogs nila na hindi mo pwede laruin at kargahin harharhar….:-)

I hope I was able to write down the sequence of events that took place last weekend. I never knew that my Nana is such a very detail oriented person. May pagka obsessive compulsive yan alam ko. He plans things ahead. Madaling ma frustrate if things don’t go as planned. Mahilig mamroblema. But to sum it all up, now I know that my nana’s expression of his love is through actions that produce desirable end results that are worth remembering for the rest my life. No matter how expensive and valuable a gift is, it will be worthless if it’s not given with the emotion that represents it. Close to perfection ang asawa ko dito! Galing galing! Clap clap clap! I know that my nana spent a considerable amount of time and money to conceptualize and accomplish his well coordinated plans to make my birthday a special event. Words are not enough to express the happiness that he has brought into my life for the past 11 months that we’ve been together. Thanks for making me happy…Even if I didn’t get a new bag, or a wallet, or a KTV party or a new puppy today, everyday is like my birthday because I have YOU in my life…. Love you with all my heart.

Happy 1st Anniversary too!

No comments: