2 days na lang 11 months na kami ng nana... ang bilis ng panahon...i was looking at our pictures during our first months. kitang kita ko ang evolution niya from the slim and petit intern to the slowly "ballooning" medical board exam reviewee and to the bloated/ascitic pre-res and resident of OM-ENT HNS. Lumaki na ang tyan at mukha ng nana ko in less than a year. For the past 11 months, daming pagbabagong nangyari both physically and emotionally...physically, we've both grown bigger (sigh!) and emotionally, i am outrightly claiming na we've both matured as individuals and as partners (tama ba nana? hehehe) ... we are more considerate, more sensitive with each other's feelings, and of course, more committed to be together for a long long long period of time.we are slowly realizing our plans kahit na medyo toxic ang work pareho. In fact, dami na naipon ng nana...may 200 dollars na siya sa wallet niya para pambili namin ng aircon, playstation, lazy boy, lcd tv, wow magic sing, foot spa, family computer, atari, game boy, mga doll collection niya. susunod na daw ang pang down namin sa condo. tapos yung pambili namin ng rest house na malapit sa beach, tapos yung farm kung saan mag aalaga kami ng mga pato, tupa, manok, baka, baboy, leon, tigre,sirena,serpentina, dinosaurs.
For the past 11 months, I realized that the criteria of being in love have some variations from person to person experiencing this "heavenly" feeling. Mine are as follows:
I am in love with my nana because:
1. kahit na makulit at may pagkamayabang yan, i don't find it offensive and irritating coz I just laugh my heart out whenever he claims na mas magaling siya kumanta by singing in high pitched/keyed songs. Pag nagsimula akong kumanta in my own voice range, magyayabang siya ng mas mataas na pitch to prove na mas mataas ang boses niya kahit na hindi na niya maabot ang mga kanta at kailanganin niyang tumuntong sa bangko para maabot ang high notes! Para bang gustong umabot sa langit ang pagkanta niya. Kung ibang tao yung nagyayabang ng gaya ng sa nana, puta, sinampal o kaya winalk-out-an ko na;
2. ayokong ayoko ng malikot sa kama pag tulog pa ako. Ang nana ko, pag nagising na yan, ayan na, umaatake ang pagka hyper...likot ng kamay, paa, daldal, ikot sa kama, bukas ng tv, lipat ng lipat ng channel. lahat yan natitiis ko dahil mahal ko nana. kung ibang tao yan, sipa na siya sa kama;
3. pag kasama ko siya, wala kaming ginawa kungdi mag tawanan at mag asaran ng mga kapintasan namin. hindi ako napipikon. hindi rin siya napipikon. kahit anong pang aasar ang gawin ko, lumalaban lang siya ng pang aasar hanggang sa huli, titigil na ko kasi talo ako...like for instance yung wala siyang gilagid. sabi niya mas ok na daw yun kesa sa mga LG...yung mga taong Labas ang Gilagid. Natawa na lang ako. Sapul si Maritoni Fernandez dun;
4. ive learned to like some songs na medyo na we-weirdohan ako dati coz of my nana. when he belts out such songs, kala mo talaga ang galing galing niya at may papikit pikit pa yan like when he sings the jingle of tiki tiki for kids ("tiki tiki lang for meeeeeeeehhhh"parang kambing yung dulo dahil nilalagyan niya ng vibrato);
5. pag tumatatawag siya sa landline, ang unang greeting nyan is "nana!" in such a unique tone na masarap pakinggan. sa dalas ba naman ng tawag niya sa kin pag may chance siya gumamit ng landline whether sa hospital or sa bahay nila, kung ibang tao yung gaagwa niyan, malamang pinaputol ko na landline namin sa bahay. tawagin ba naman ako ng tagalog ng "PUS". hehehehe...since ang nana ko ang gumagawa ng ganito at mahal ko siya, its music to my ears;
6. pag magpapaalam ako na pupunta ko sa grocery, sa palengke, etc. etc. walang ginawa yan kungdi mag text ng "SAMA KO!"...laging gustong bumuntot. eh hindi naman pwede kasi may duty siya. but despite of his kakulitan na parang si mama niya na laging gustong nakasunod sa papa niya, he is the only person in this world that i dont get bored of being with constantly. kahit na sandaling panahon lang kami magkasama minsan coz of our works' toxicities, it' always worth the while. we always talk about funny stuffs, our own flaws, life's experiences, chldhood memories, future plans,etc. etc. We both love to listen to each other's kwentos kahit na minsan, madaling araw na at sinisikatan na kami ng haring araw. kwento pa rin ng kwento ng kwento ng kwento. mahal ko nga siguro talaga ang nana kasi kahit na paulit ulit na minsan ang kwento nya, naaaliw pa rin ako pag siya ang nag dedemo ( like nung bata silang magkakapatid, pag nakakarinig sila ng tugtog na mabilis sa radyo, magsasapatos sila lahat at magsasayaw na tila ba wala ng bukas).
Daming pang instances that I can classify as proofs of being in love with nana but this blogspot will not suffice for all those "evidences" hehehe... I guess love nga ito. Sabi nga ni Ai Ai sa Tanging Ina Nyong Lahat, "THIS IS REALLY IS IT!" Wrong grammar man siya, na emphasize naman ang point nya! Nakanaaaahhh!!!
Love you nana. Happy 11th monthsary!
No comments:
Post a Comment