Monday, January 19, 2009

Best Birthday with my Nana and Friends

I’m still "high" because of what Nana did to make this birthday of mine very special. Ive been telling him na wag na siya mag regalo coz his mere presence in my life is God’s greatest gift to me. Kaso ang kulit niya talaga! Tsk! He handed over his gifts to me a few minutes after we checked in sa Manila. Mukhang naawa na ang nana sa lumang bag ko kaya pinalitan na niya ng Girbaud na black leather bag...mas mukhang pang executive daw according to Nana! hahahaha...maganda pa naman yung Banana Rep ko na bag ha! Pati wallet ko na siya rin ang nagbigay nung 3rd monthsary namin, pinalitan din niya ng bago kasi masyado na daw gamit yung dati..hehehehe....Thanks sa mga gifts mo nana. Thanks for being sensitive at maawain sa asawa mo pag naluluma na mga gamit ko!:-)

Next, natulog muna kami ng hapon. I know he's very tired kasi from duty pa siya at nag OR pa sila nung morning. Ayaw pa niya mag lunch kasi lagpas na ng 12noon. Siguro mga 2 hours din kami natulog. I told him na mag dinner kami sa Friday's coz I was craving for Mocha Mud Pie but he kept on texting and texting a lot people. Tunog ng tunog ang celphone ng nana! Kakairita! Mag KTV daw kami kasi alam niya hilig ko yun pero wala ako sa mood coz I was also drunk the previous night dahil sa office celebration naman namin ng mga January birthday celebrants. Sabi ko siya na lang kung gusto niya. Nagmamakaawa talaga ang nana! Alam mo yung nagpapaawa ng mukha? Hahaha! Di naman nakakaawa. Pero sabi ko sige na nga. So finally, I gave in to his request na sa Macapagal highway kami mag KTV at dinner na din. Panay pa ang tantrum ko sa kotse kung bakit dun pa, bakit kakanta pa, bakit sa matraffic pa na lugar, blah blah blah…Natatawa lang ang maldito kong asawa…. Ayun pala, to my surprise, nandun pala ang mga friends naming!!!!!!!!!.I was so happy to see Paula, Wapi, Pia and Tim...ininvite pala lahat ng nana ng friends kaso silang 4 lang ang nakarating but it really made my pre birthday celebration extra special! Nagpareserve na pala sila sa KTV bar na yun a few days back and it was really touching coz I know he exerted a lot of effort dahil toxic talaga siya sa hospital lately. Thanks talaga nana. sobrang kakataba ng puso and ang sarap pala magkaasawa ng kahit na maldito at mayabang, eh mahilig sa surprises at talagang pinagplaplanuhan ang lahat! Sabi ko kasi sa nana, ayoko ng surprises. I find it corny. Pero iba pala kapag ang nana ko ang dumiskarte. Medyo nagkakaron ng konting excitement! Konti lang ha! Hihihihi! Kasi yayabang na naman lalo yan! 

We really had a great time sa kakainom, kakakain at kakakanta lalo na ang pinaka mabili sa lahat ng mga song numbers nung gabing yun…ang kantang HIRAM ni Pia! May nginig pa sa dulo at papikit pikit pa. Sinundan pa ng Saving All My Love for You….talaga nga naman oh!…first time ko rin nameet si Tim and since halos magka age kami, can relate kami sa mga songs nung 80s.hahahaha…we had a great time talaga. Lahat sila ang galing kumanta. Si Wapi bumabanat ng ALONE…si Paula MYMP ang boses…Si Pia, ZSA ZSA PADILLA si Tim, FREDDIE MERCURY ng QUEEN…And ang nana, as usual, LAHAT KINAYA! Hahahaha…ang saya talaga sobra..thanks sa inyong lahat kung mabasa nyo man ang blog na ito….nag coffee muna kami nila wapi at pia and nana before umuwi and as usual, daming kwento na nakakatuwa….sobrang enjoy and sobrang nakakataba ng puso…the past months that I have been meeting and going out with my nana’s friends, they have turned out to be my close friends too coz I know how good hearted they all are. Mga cool kasama, sensible, walang hang ups, and sobrang sincere in expressing their gratitude coz now, they are introduced and now a part of my corporate medicine practice. I will always be here for them, no matter what….kahit anong racket, ibibigay ko sa kanilang lahat!:-)

Afterwards, I told Nana medyo nagugutom ako ulit. Alam ko wala sa prinsipyo ng nana na kumain ng midnight snack but since its my birthday, napapayag ko ang little boy ko! Hahahaaha….so kain muna ulit kami sa shakeys…busog sobra! Grabe. Gluttony na daw yung ginagawa ko per my nana’s declaration. E sa nagugutom pa ko eh…sabi ko nga sa nana, mahirap matulog ng gutom! Hahahaha….Pag kasama ko asawa ko, di ako makapag diet.Lagi ako nagugutom!

Balik sa hotel and then kwentuhan till umaga….May problema lang…pag yumakap na ang nana, wala na yan…maghihilik na yan in 2 minutes….parang bata pa talaga. Ang dali niya gumawa ng ikaantok at ikatutulog nya! Tsk! I tried to wake him up coz I saw on Australian channel ang isang cranial and maxillofacial modification ng isang pedia patient na may microcephaly…ang galing! Kaso dineadma ng nana kaya sorry siya, di niya nakita kung pano na modify yung bone structure nung bata!hehehe.

Early brunch lang kami then we headed to lea’s place…may kukunin daw na book ang nana coz mag aaral daw siya regarding otitis media. Sabi ko, “Ampota. Ang dami naming pwedeng hanapan ng journals and articles about otitis media!”. Nagtataka ako kung bakit pupunta pa sya sa Quezon City and pwede namang magkita sila ni lea sa hospital on Monday! Sometimes my nana gets really irrational. Na hello ako sa diskarte nya na yun. Tsk! So finally, nandun na kami kina Lea na place. Pilit na naman ako pinababa ng nana. Nahihiya ako kasi baka nandun ang mga kapatid ni Lea hehehe…so sa parking palang ng house nila lea, she gave the xmas gifts that she and Igan (her bf) bought for us. When I finally entered their house, I was surprised to see a maltese puppy na may ribbon sa neck…I’m a dog lover and my nana knows that. I was then introduced to Lea’s sisters. Then one of them kidded that the puppy is mine daw. “Huh??”was my reaction. WITH A SMILE ON MY FACE (kasi sumama agad sa kin yung puppy named JJ, and to be polite enough to ride on to that joke na sa kin na yung puppy dahil hindi talaga ko naniniwala), I carried the puppy and placed it on my lap….sobrang sweet nung doggie talaga! My nana, lea and her sisters kept on telling me na akin daw yung dog….birthday gift daw sa kin! I kept asking “hindi nga?????hindi nga talaga??? Akin na to????” medyo namumula na ko sa nararamdaman kong hiya at excitement at tuwa! Abot tenga daw ngiti ko sabi ng nana! .di ako makapaniwala…kala ko joke time pero i was really happy kasi finally, may kalaro na yung aso kong unti unti ng tumatanda! Hahahaha….hanggang nung nakasakay na kami sa kotse ng nana, di ako makapaniwala na I have a dog for my birthday!ang saya talaga!Mahal na mahal talaga ko ng nana! Talaga daw pinagpilitan ng nana na sa kin na lang ibigay ni lea yung puppy kesa sa isang consultant nila hahahaha! Thanks sa inyong dalawa!thanks sa sisters mo lea! So pag uwi namin sa house, lahat ng tao tuwang tuwa kay JJ. Para kaming may new baby sa house. Lahat niyakap, kinarga, and pinag shopping namin agad ng dog food, shampoo, soap, powder, etc.etc. It really made our day so meaningful. Lahat gusto hingiin si JJ, ang bago kong aso! Hehehe…no way…galing sa nana ko yan ( and kay lea!) kaya magtyaga na lang sila sa mga guard dogs nila na hindi mo pwede laruin at kargahin harharhar….:-)

I hope I was able to write down the sequence of events that took place last weekend. I never knew that my Nana is such a very detail oriented person. May pagka obsessive compulsive yan alam ko. He plans things ahead. Madaling ma frustrate if things don’t go as planned. Mahilig mamroblema. But to sum it all up, now I know that my nana’s expression of his love is through actions that produce desirable end results that are worth remembering for the rest my life. No matter how expensive and valuable a gift is, it will be worthless if it’s not given with the emotion that represents it. Close to perfection ang asawa ko dito! Galing galing! Clap clap clap! I know that my nana spent a considerable amount of time and money to conceptualize and accomplish his well coordinated plans to make my birthday a special event. Words are not enough to express the happiness that he has brought into my life for the past 11 months that we’ve been together. Thanks for making me happy…Even if I didn’t get a new bag, or a wallet, or a KTV party or a new puppy today, everyday is like my birthday because I have YOU in my life…. Love you with all my heart.

Happy 1st Anniversary too!

Tuesday, January 06, 2009

thoughs of 11th monthsary

ang galeng galeng magsulat ng nana ng blog. this afternoon, he texted me na tinatamad daw sya magwork kaya nagbblog lang sya. syempre alam ko na na puro ako na naman ang laman ng blog nya kse patay na patay yan sakin. hahaha. di ba nana?

our relationship is nearing a year now. proud na proud ang nana kse sya ang pinakamatagal na relationship ko and sya lang ang nagtyaga sakin. hahaha. i can say that those months we shared together can be called "ideal". ideal in the sense that though we do have a few misundertandings here and there, there's nothing big to the point that we see each other breaking loose. ideal for the fact that we give equal understanding of our own lives like work, family, friends. i havent seen him complain na we dont see each other often or make love often (hehehe)... kse puro ako ang nagcocomplain. hahahaha. hindi naman. the bottom line is we make it a point that this relationship we have be built with trust, confidence and patience with each other. i cannot see myself with someone else than my nana. sbi nga ng nana dati that we should thank the bad memories we have from our previous relationships coz whatever it is that happened made its way for us to be together. tama nga naman ang nana (lage sya tama... may tama sa utak, may tama sa tyan, may tama sa paa).

i dont usually plan for the future, my friends know that. im not the type who gears towards this and towards that. im a man who just lives with a single goal for every year. but being with my nana, i have come to make plans for the future itself. yes ive been saving money for our future house, the appliances, the gadgets we would have. my nana is an impulsive buyer kaya naman todo ipon ako kahit wala pa ko sweldo. i always day dream how it would feel great to treat my nana, to actually be the one to pay the bills in the resto, or give him gifts or even give him allowance. sa totoo lang masarap alagaan ang nana. sya yung tipo ng taong pag binigyan mo ng kahit anu e tlagang naapreciate nya. yung tipong kakalikutin nya ng kakalikutin ang mga bigay ko, pagmamasdan, isusukat sukat, yung mga ganun. kaya masarap regaluhan ang nana, di man mamahalin mga regalo ko sa kanya but the fact that i see him smile and hold it is already a gift to me as well.

sa blog ng nana, he itemized the reasons why he love me, teka ako nga din:

1. mahilig yan sa pabango. he has this habit of making me amuy his neck and papahula sakin yung gamit nya. then pag tinanong mo kung nagpabango ba sya bago kme nagkita, super deny yan at sasabihing pabango ko pa to nung umalis ako ng bahay. asus! if i know tlgang nagpapogi sya for me.

2. lage nya sinasabi mayabang ako sa pagkanta, e samantalang sya kaya yun. lage yan magyayaya ng karaoke, tapus pag pinakanta mo yung medjo mahiyain pa yan. tapus mag eenter yan ng kanta... "Gold". umanganga na lang mga friends ko sa galeng ng nana. tapus susundan na nya yung line up nya ng martin nievera, malalaglag naman ang mga panti ng mga friends ko, then in between kakanta yan ng pop songs, na sasabihin ng mga friends ko, "ang galing galing" sabay palakpak, then ang huli nyang mga kanta yung mga kanta nya for me ( sorry nana medjo finocus ko na naman ang spotlight sakin ha). gawain pa nyan pagkumakanta ako yung ituturo nya yung daliri nya sa ceiling para abutin ko yung nota. E DI KO NGA MAABOT E! nag sirko sirko na ko nana! tsk! may mga kataga pa yang "ang taas ng boses mo, pupunta ka ba ng langit?", "gusto mo ng upuan patung ka para maabot mo". sinisisi ko ang mama sa lahat ng to, kse kung pinag voice lesson nya ko nung summer workshop imbes na nagpainting lesson ako sa nayong pilipino e di sana naabot ko ang nota. wla din naman ako napala sa painting, di pala sya magagamit sa music21. tsk!

3. my nana has a thousand fetish... ngipin (ayaw nyan ng magilagid or may sira or tabitabinge), paa (gusto nya mga paa ng mga lola kaya gusto nya paa ko), ilong (gusto nya patangusin ilong nya yung parang pinocchio), at marami pang iba. sobrang linis nyan sa katawan. in fact pag nag pupu yan ang tagal! ready na ko sa kama sya di pa! hahahaha.

4. lagi ko kinukulet yang nana sa makipag holding hands sakin pagnaglalakad, which usually leads to pag akbay. hehehe nakakatuwa kse inaagaw ko mga kamay nya. but pag sa resto or sa sina, pasimple yan hahawakan mga kamay ko, pipisil pisilin pa. hahaha love you nana.

5. ayaw na ayaw nya yung nagdedeklara! like nung namatay daw yung aso nya sbi ng katulong nya "patay na!" or pag sinasabi kong "gwapo ako". minsan napapasingal na lang yan kse alam nya wala na sya magawa kse dineklara ko na na gwapo ako. hahaha.

6. pag sinabi mo sa kanyang wag na kumain, aba e kakain pa rin yan, sa aming dalawa mas matigas ang ulo ng nana ko kse tignan mo, kakasabi ko lang wag mag metformin, ayung bumili ng 3 box galing japan. but mahal na mahal ko pa rin ang nana. kahit na nawala ang leeg nya nung christmas season e pogi pogi pa rin. di ba ang sbi nila, love is love when you see someone no matter how they changed they're still the most beautiful people. kahit tumaba ulet ang nana patay na patay pa rin ako sa smile nyan, sa bango ng pisngi nyan. yung face nya pagnagigicing sa umaga na alam mong bagot na bagot sa hindi nya pagtulog ng maayos katabi ako, is one face i have always admired. love you nana

7. sobrang mahal ko ang nana khit na nagsisigawan silang pamilya sa grocery dahil lang sa hotdog, or tinapay, or delata, or gulay. icip ko nga ang saya cgro pagkasama ko family nya. he always tell me soon i would meet his dad and mom, i get excited but freigtened kse panu kung di nila ako gusto or mas worse panu kung sobrang magustuhan nila ako. haaaay!

the hospital kept me away throughout the holiday season, but my nana stayed with me all through those times. i kept telling him, that i might lose my head without him. sa work he is my stress buster. i always anticipate going home para lang makausap sya sa phone, e wat more kung magksama na kme sa bahay.

mahal na mahal ko yang asawa ko for so many reasons i cannot enumerate. 11 months is just but a number, whats important is that in those months my nana has been loving me and taking care of me like no one has ever did before. thats why i continue to be faithful, loving and caring for him too. he is my strength. he is my life.

happy 11th monthsary nana ko!!!!! advance happy birthday!!!! yey!!!!! blow out blow out blow out blow out blow job blow out blow out blow job blow out blow out blow out!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

11th monthsary thoughts

2 days na lang 11 months na kami ng nana... ang bilis ng panahon...i was looking at our pictures during our first months. kitang kita ko ang evolution niya from the slim and petit intern to the slowly "ballooning" medical board exam reviewee and to the bloated/ascitic pre-res and resident of OM-ENT HNS. Lumaki na ang tyan at mukha ng nana ko in less than a year. For the past 11 months, daming pagbabagong nangyari both physically and emotionally...physically, we've both grown bigger (sigh!) and emotionally, i am outrightly claiming na we've both matured as individuals and as partners (tama ba nana? hehehe) ... we are more considerate, more sensitive with each other's feelings, and of course, more committed to be together for a long long long period of time.we are slowly realizing our plans kahit na medyo toxic ang work pareho. In fact, dami na naipon ng nana...may 200 dollars na siya sa wallet niya para pambili namin ng aircon, playstation, lazy boy, lcd tv, wow magic sing, foot spa, family computer, atari, game boy, mga doll collection niya. susunod na daw ang pang down namin sa condo. tapos yung pambili namin ng rest house na malapit sa beach, tapos yung farm kung saan mag aalaga kami ng mga pato, tupa, manok, baka, baboy, leon, tigre,sirena,serpentina, dinosaurs.

For the past 11 months, I realized that the criteria of being in love have some variations from person to person experiencing this "heavenly" feeling. Mine are as follows:


I am in love with my nana because:


1. kahit na makulit at may pagkamayabang yan, i don't find it offensive and irritating coz I just laugh my heart out whenever he claims na mas magaling siya kumanta by singing in high pitched/keyed songs. Pag nagsimula akong kumanta in my own voice range, magyayabang siya ng mas mataas na pitch to prove na mas mataas ang boses niya kahit na hindi na niya maabot ang mga kanta at kailanganin niyang tumuntong sa bangko para maabot ang high notes! Para bang gustong umabot sa langit ang pagkanta niya. Kung ibang tao yung nagyayabang ng gaya ng sa nana, puta, sinampal o kaya winalk-out-an ko na;


2. ayokong ayoko ng malikot sa kama pag tulog pa ako. Ang nana ko, pag nagising na yan, ayan na, umaatake ang pagka hyper...likot ng kamay, paa, daldal, ikot sa kama, bukas ng tv, lipat ng lipat ng channel. lahat yan natitiis ko dahil mahal ko nana. kung ibang tao yan, sipa na siya sa kama;


3. pag kasama ko siya, wala kaming ginawa kungdi mag tawanan at mag asaran ng mga kapintasan namin. hindi ako napipikon. hindi rin siya napipikon. kahit anong pang aasar ang gawin ko, lumalaban lang siya ng pang aasar hanggang sa huli, titigil na ko kasi talo ako...like for instance yung wala siyang gilagid. sabi niya mas ok na daw yun kesa sa mga LG...yung mga taong Labas ang Gilagid. Natawa na lang ako. Sapul si Maritoni Fernandez dun;


4. ive learned to like some songs na medyo na we-weirdohan ako dati coz of my nana. when he belts out such songs, kala mo talaga ang galing galing niya at may papikit pikit pa yan like when he sings the jingle of tiki tiki for kids ("tiki tiki lang for meeeeeeeehhhh"parang kambing yung dulo dahil nilalagyan niya ng vibrato);


5. pag tumatatawag siya sa landline, ang unang greeting nyan is "nana!" in such a unique tone na masarap pakinggan. sa dalas ba naman ng tawag niya sa kin pag may chance siya gumamit ng landline whether sa hospital or sa bahay nila, kung ibang tao yung gaagwa niyan, malamang pinaputol ko na landline namin sa bahay. tawagin ba naman ako ng tagalog ng "PUS". hehehehe...since ang nana ko ang gumagawa ng ganito at mahal ko siya, its music to my ears;

6. pag magpapaalam ako na pupunta ko sa grocery, sa palengke, etc. etc. walang ginawa yan kungdi mag text ng "SAMA KO!"...laging gustong bumuntot. eh hindi naman pwede kasi may duty siya. but despite of his kakulitan na parang si mama niya na laging gustong nakasunod sa papa niya, he is the only person in this world that i dont get bored of being with constantly. kahit na sandaling panahon lang kami magkasama minsan coz of our works' toxicities, it' always worth the while. we always talk about funny stuffs, our own flaws, life's experiences, chldhood memories, future plans,etc. etc. We both love to listen to each other's kwentos kahit na minsan, madaling araw na at sinisikatan na kami ng haring araw. kwento pa rin ng kwento ng kwento ng kwento. mahal ko nga siguro talaga ang nana kasi kahit na paulit ulit na minsan ang kwento nya, naaaliw pa rin ako pag siya ang nag dedemo ( like nung bata silang magkakapatid, pag nakakarinig sila ng tugtog na mabilis sa radyo, magsasapatos sila lahat at magsasayaw na tila ba wala ng bukas).

Daming pang instances that I can classify as proofs of being in love with nana but this blogspot will not suffice for all those "evidences" hehehe... I guess love nga ito. Sabi nga ni Ai Ai sa Tanging Ina Nyong Lahat, "THIS IS REALLY IS IT!" Wrong grammar man siya, na emphasize naman ang point nya! Nakanaaaahhh!!!

Love you nana. Happy 11th monthsary!

Friday, January 02, 2009

Best Christmas

Best Christmas

Yesssss!!!!!!!!! After the long holidays and the stress that the Christmas rush (toxicity of buying gifts for my friends and family and my NANA) has brought into my system, magblolog na ko ulit! Yehey!

Nasa perpetual duty ( 8 days sa hospital ng walang uwian) ang nana ko and presently savoring his midazolam induced sleep after 4 days of continuously attending to ER patients kaya may time ako magsulat dahil walang text from him and walang surprise calls to release his stress…sleep tight nana…

This is the best Christmas of my life. I have my family with me, a good job, real friends, new friends ( care of nana like margaux, ara, paula, wapi, pia, lea, jason, igan, amee, jim, frank, nina, at madami pang iba!) and of course, my nana. The past years have just been so-so because I don’t have the complete “menu” (as stated above) in order for me to brand my past Christmases as “great” holiday seasons. I have a lot of things to thank God for and I never fail to take some quiet moments every now and then to thank HIM for everything that He has given me, my nana, and my family for the past year.

I got tons of gifts from friends, colleagues (puro alak naknampocha!) and from my nana too….In fact, pati mga pamangkin ko merong gift from him…Thank you sa watches na colorful para sa mga pamangkin ko…. Thanks sa madaming madaming chocolates and Danish cookies and acca kappa cologne, sa olay moisturizer, sa Armani bracelet, sa angel and devil dicks (rated PG to!) , sa madaming toothpaste na sensodyne at astring osol lozenges, sa mga toys and clothes for kuya jing’s kids, sa prep H for my dad, and of course, sa pagmamahal! Nakanaaaaaahhhhh! God knows how thankful I am coz I have my nana with me for he is very supportive of the simple acts of charity that we have been extending to the less privileged people that we personally know. I’m glad that he has the heart to care for them too. Swerte ko talaga sa nana ko. Kahit gano ka toxic yan sa hospital, he really finds time to be of assistance to anyone who needs help. Kahit nga ako, tinoxic ko nana nung magdodonate kami ng slightly used clothes sa mga nangangailangan. Isang sabi ko lang na “ sige na nana, mag ayos ka na ng closet mo and lahat ng mga damit na ayaw mo na, donate na natin, pretty please?”….and he actually did kahit na puyat and from duty yan! He never fails to amaze me…The past 11 months (almost) that we’re together, I’m always in awe to learn more about his true self. May mga patakaran pala siya sa buhay na nakakatuwa (like dapat by 6:30 nag dinner na, dapat mag yawn na siya ng 8:30 pm para by 9:00 pm tulog na siya, dapat hindi na kumakain beyond 7 pm, etc etc) and may mga patakaran din siyang mahilig mamroblema sa mga bagay bagay kahit hindi pa nangyayari. Hahahaha….He’s still a baby in many aspects but when it comes to assigning tasks and responsibilities, he’s damn good in handling them. Makulit yan, sumasagot ng pabalang, hindi nakikinig minsan, opinionated, mayabang, pero sobrang responsible and he never leaves challenging tasks without resolutions. Madaming sasabihin yan sa mga pinapagawa ko sa kanya pero at the end of the day, susunod din.  The more I get to know him, the more I love my nana talaga. These could be the reasons why he is surviving his residency now. And I know that these traits will be of great aid for him to go through the program at OM.

We are doing a lot of sacrifices now ( we refrained from out of town/country trips kahit na mahaba ang bakasyon, no drinking sprees coz baka hindi makapag duty ang nana, etc. ) due to his perpetual duty but I know that in due time, we will be reaping the fruits of his labors. Lagi ko ngang sinasabi sa nana na konting tiis lang. Lahat naman ng pinaghihirapan eh may bunga. Sabi ko nga sa kanya in jest na “ pagbutihan mo ang residency program mo para pag consultant ka na, mapag aral natin ang mga bata sa matinong iskwelahan at hindi lang sa mababang paaralan ng santa henobeba”.Hehehe….Just trying to make him smile amidst his toxicity at work.

It feels great to know that I have someone in my life now that I constantly think of making happy. Parang regalo talaga siya sa buhay ko….Before Christmas, he kept on asking me kung ano gusto ko na gift. Sabi ko nga, siya pa lang, gift na from God. Ayaw maniwala. Kaya nga pag magkasama kami, I have this habit of treating him like a gift. Lahat kasi ng regalo na natatanggap ko, I take time to examine them closely. Para akong bata na paulit ulit tinitignan ito. Inaappreciate. Ganun din ako sa nana ko…..I always make kalikot. Sa teeth nya kung ano dapat pastahan at ipabunot dahil hobby niya ang magpatanggal ng molars, sa buhok niya kung ano dapat ipagupit, sa mukha niya kung ano dapat i-shave, sa ilong niya na gusto niya ipa rhino kahit di naman kailangan, sa kamay niya na unti unti ng tumataba ang fingers, sa paa niya na ang liit at ang cute tignan, sa mga kuko niya na parang mga buhay na tao bawat isa, at sa marami pang bagay at sa lahat lahat sa kanya….. Wala ako nito nung mga nakaraang Pasko kaya I consider this season as the best one that I ever had. Mahal ko talaga nana ko maging ano ka man, este sino ka man! (Ginawa talagang bagay na regalo literally waaaaaahhh!)

Thank you for being my nana… thank you for the gift of love and care…...Love ko nana ko with all my heart!