it was called PAV10... home of the active TB patients in SLH, sila ung mga patients na isang bulate na lang ang di nakakapirma sa papeles ng kanilang kamatayan, sila ung mga sumusuka ng dugo, at mukha na silang zombie, sila ung mga taong nagshashare sa isang O2 tank kahit na lima-lima silang nakahook dun...
kanina, i was from-duty and day post ko (and luckily last post ko) ang pav10. it was a secluded place, ika nga ng isang urse dun, kung ang main building e syudad, ang pav10 ang probinsya. and totoo naman, may taniman ng kung ano anong halaman dun and feeling ko talaga nasa ibang dimesyon ako. pagpasok ko sa wards, amoy nabubulok na sugat, dumi, at impeksyon ang namaamoy ko (take note naka double mask na ko naamoy ko pa rin). madidilim yun mga kwarto nila, cgro sa isang kwarto mahigit 5 sila. kaya no wonder nagkakahawaan sila dun at nagkakainggitan kung sino ang unang mamamatay. according to those who have stayed long in that pavillon, pag may namatay sa isang kwarto tyak yun may mamamatay sa kabilang kwarto.
i thought makakatakas ako sa gawain dun sa wards na un sa pagkulong ko sa sarili ko sa quarters... hindi pala. tinawag ako para mag double line sa isang old lady na kakatanggal lang ng CTT tube nya. maldita pa un kse ayaw nya na tinitigil ng mga anak nya ung pagpaypay sa kanya. nahirapan ako mag IV line sa kanya buti na lang andun ung isang nurse sya pinagawa ko. hehe. anyway pagtapus nun eeskapo na sana ako, kaso maaga pa, wala pang 12 kse. at 12:15 naghanap ako ng kasama ko mag eskapo. nakita ko si Nell, co-clerk ko tga EAC, kasama ko din dati sa RR ng OM when she rotated in there for her ENT. we asked permission to our residents, but gusto nya hintayin namin ung mga nauna nang kumain. HELLO! kung hihintayin namin un di na kme makakakain. we just said na pupunta kme ng triage to look for other clerks and we never looked back. tagumpay ang ESKAPO.
by 1pm, kumain muna kme sa labas, then ung dalawa kong kasama e naghanap ng magpapapirma sa kanilang grading sheet, kaya nauna na ko.
again i was on duty sa ER nun, and i was proud to say me and my partner was commended again! we have two residents sa ER, one of them is Dr. Alba. i was referring a patient to her, syempre batang OM ako, and kme kse sa OM pag nagrefer e kumpleto. todo: "doc, this is a case of 15/m who came in due to ek ek ek... with vital signs ek eke... PE showed ek ek ek.... my diagnosis is ek ek ek" aba! ang lola mo natuwa. sabi nya " like kita and yang kasama mo... very smart kayo" syempre palakpak tenga naman ako. hindi ko na lang sinabi na tga OM ako baka sabihin e mayabang ako... medjo lang. haha. anyway, very benign ung duty namin, we had less than 20 admissions... and usually, naiiwan kme ng partner ko sa ER, kse natutulog mga residents namin. ginigising lang namin sila matapos namin i work-up ung mga patients in batches. kaya siguro natuwa din sila kse maganda tulog nila, not-to-mention, efficient ung mga clerks nila. actually nun post assignments nun hapon nagpresenta talaga kme na mag ER kse ka duty namin mga UST, e hello! pag sila nag ER malamang e toxic kme sa taas kse walang mga swero ung mga patients nila bago i admit. kse di marunong mag IV ang mga Uste, and admitted nila yun, kse sa kanila mga Interns ang gumagawa nun. no wonder sbi ni Dr. Lao, senior house officer ng SLH, na ang training namin sa OM e parang mga residente. hehe and its true. sa SLH ko lang nga naramdaman na mahalaga kming mga clerks and dun ko din naramdaman ung sarap ng feeling na pupurihin ka. kse sa OM, bihira ka purihin ng mga residente mo, most of the times youd think na sobrang BOBO mo pa and wala kang kwenta. fortunately, di pa naman ako namumra or nababato ng mga instrumento, wag naman sana. sobrag higpit kse sa OM, pero ang maganda dun, eventhough hindi vocal mga residente mo, e pupunuin ka naman nila ng merits, which is different sa SLH, kse dun demerit lang ang alam nila. kaya when i asked Dr. Lao to sign my form, i asked him to give me merits and talagang kinapalan ko na mukha ko. hehehe. and he did gave me 8 hours merit... enough to save me even if i fail their exit exams. YIPEE!
anyway, tulog na ko... tom ER na ko sa OM... goodbye wards! see you on last weeks of August!....
No comments:
Post a Comment