ang sarap ng duty ko kagabi, not only did we have only 2 admissions and 20 consults, but nakasama ko ulit ang fav resident ko sa IM... si doc peter. puro lalaki kme kagbi kaya sobrang gulo namin (except kay dex na nagsilbing estatwa lang, na walang contribution sa mga jokes).
anyway, kagbi astig, star-studded ang mga patient namin. una dumating kamukha ni danny javier ng APO, may COPD, PTB at nag DOB. nag O2 kme, APL drip and hydrocortisone sa kanya. then dumating naman si buboy garovillo, same case and same management ginawa namin. sbi namin kulang na lang si danny javier. at sakto dumting sya! kaya ayun tatlo sila nakaupo, pareparehas ng kaso, pareparehas na may TB. ginawa ko pinakilala ko sila sa isat isa. tawa ng tawa si doc peter, tawag nya sa kanilang tatlo e "hAPO" kse tatlo sila hinahapo. hehe. later that night, nag disband din sila... nauna umuwi si danny kse di na sya hinahapo.
nun mga 10pm naman, dumating isang pateint na manakapony tail na ipit sa tuktok na parang 80's, pinanglan namin siyang tina paner, na mataas nga lang ang BP at laging nakakunot nuo. buti di nya inabutan ang hAPO hiking society kundi kinantahan sya ng: "nakasimangot ka na lang palagi, parang ikaw lang ang nagmamay-ari ng lahat sama ng loob..."
by 12am... wala na kme ginagawa kaya pinagtripan namin mga student nurse. syempre dahil sa aming lahat ako ang walang interes sa babae, kya ako ang ginawa nilang bait. taga tawag, at tga interview sa mga type nila. mga gago talaga, and si doc peter naman ayun aliw na aliw.
umabot hanggang sa surgery ang katarantaduhan namin kaya pag dumadaan ako dun pra mgpa-initial ng cxr films e, nagtatanong mga intern and residents kung kailan daw b ako mag rorotate sa kanila para may pangalanan din daw mga patients nila. hehe. dami interns gusto ako makasama kse masaya daw ako ka-duty... clown ba ako? its either that, o sasabihin nila sakin na sayang daw ako kse pogi pa naman ako kaso wala ko malisya sa babae. hahaha. well... mapapg-usapan pa yan. hehe. may isa pa pala sila tawag sakin sa ER... "carry-out boy" kse di pa inuutos ng intern ko or residents e, ngawa ko na. efficient di ba? well ayoko lang natatambakan ng gawain sa ER. kse nga di ba, ER un dpat mabilis ang trabaho or else, mamamatayan ka ng patiente, at maiipunan ka ng patiente na dapat e napauwi mo na.
however may isa akong blooper kagbi, nagpalista ako ng patient sa sobrang bibo ko, na dapat hindi kse mapupunta pa un sa service namin. ginwa ko lahat, nakiusap ako sa nagpapalista sa triage na magppalit ng time ung patient ko. sa awa ng diyos nakuha ko sa sweet talk. hehe.
mamimiss ko si doc peter... last duty na nya kagbi kse maaasign sya sa RITM... haay... crush ko pa nman sya. ako lang nga gising kagbi kse una wala ako mapwestuhang higaan, si doc peter nga e dun sa kotse nya natulog. actually nakalibre ako ng higa, but after 30 minutes nagising ako kse may pesteng patiente ang FM na suka ng suka. nakakabuwisit. gusto ko nga salpakan ng unan sa bunganga. hehe. bad ko no? anyway... 8am naman releived na kme kaya di ko na pinansin ang antok ko. nagtanong nga resident ko bat daw di ako natutulog. smile lang ako. hehe. kung pwede lang nga magpauwi nun madaling araw ng patient kahit di pa nakikita ng residente ko e ginawa ko na.
haaay! sana bukas benign din... :)
No comments:
Post a Comment