Friday, July 28, 2006

Course in the wards

this has long been overdue. tagal ko na gusto magsulat about my adventures sa IM ko, and now lang ako nagkaroon ng time (actually now lang ako sinipag hehe).

ibang iba ang IM. Nakapag rotate na ko sa OB and mas nahirapan ako sa IM. Sa OB, kahit na isang baranggay ng nanay ang hawak mo e ok lang kse masarap ang feeling ng magpaanak, mag IE, magtaray sa mga nanay na walang prenatal check up at masarap kasama mga residente ko dun, kse sila they would ask kung kumain ka na or hindi. Sa IM, hindi man napupuno ung mga wards e, toxic naman lahat ng patient. Nakakabuwisit pa e, pag nag pa CBC ka sa umaga, pagdating sa gabi e repeat mo lahat... repear X-ray, repeat blood chem, repeat UA, lahat nirerepeat. as if naman ganun kadali mag baba ng mga patienteng naka hook sa O2 di ba?

unang linggo ko pa lang e 12 hours demerit na kme ng isa kong kasama, para lang sa isang CBC na di namin na repeat. as if naman may pagbabago dun sa patiente kung di namin nababa ung dugo nya. wala daw kme decking ng patients. e kse naman, magdedeck ka pa e, hawak nyo 8 patiente, tapus dalawa lang kayo. what me and my partner did was we know all our patients, we do our carry-outs together, one is assigned sa radio (taga baba ng mga mga patiente sa x-ray) and ako taga extract, tga monitor at tga chart rounds ng patients sa wards. e mas maganda nga ung ginawa namin kse at least kilala namin ung patiente namin and not just our own decked patients. pero natuto na kme, nagdeck na rin kme pero tulungan pa rin. ginawa lang namin un para lang masabi na nagdeck nga kme.

anyway, sa 3 weeks kong stay sa IM, 2 na namatay sa kamay ko, at isa nabuhay ko sa ER pero binabayaan na rin namin kse brain dead na (thanks to my good skills sa CPR at tumagal ang patiente ng 1 oras sa ER na kinainis naman namin kse gusto na namin matulog hehe). And sa IM, once na pinasukan ng ET tube ang patiente siguradong may taning na buhay nun. kaya i had this one patient na gusto namin i-intubate, pero ayaw na ng pamilya kse daw para saan pa, ayaw na rin nila ako kunan ng dugo ung patiente kse wala din naman daw saysay. OK fine! were just doing our jobs. anyway, toxic din naman talaga ung patient. i understand them.

nakakatawa pa sa IM, ang rounds nila e 10am, by the time matapus kayo e 11 na, 12 o clock kakain ka, the 1pm may lecture na natatapos ng 4pm, then mag cacarry-out ka na after that, mag poprogress notes, mag momonitor, then uuwi ka past 7 na mahirap pa sumakay. haaay buhay!

maganda sa IM e, dun ko natutunan ang mag NGT at mag foley catheter ng male organ. yup! di lang pepe nakikita ko ngayon pero tete na. hehehe. sa IM ko din natutunan maging pasyensoso. unlike sa OB na pwede mo simangutan, tarayan, at awayin ang patiente, sa IM di ko magawa kse natatakot ako na once ginawa ko e, mag heart attack ang mga stroke patients, mahirapan huminga mga COPD at mamatay ang mga dapat mamatay ng di oras. kaya super friendly ako asa kanila kahit na 3am.

now sa San Lazaro ako for one week. today is my second day. at ngayon ko namiss ang OM. sa san lazaro ko naramdaman ang duty na definition ng clerk... kse sa kanila para kang secretary. sulat ng sulat ng kung ano ano. kaya siguro nagpapalecture sila sa hapon para naman may matutunan ang mga bata. kse sa SLH, di sumasama ang clerk sa residents during rounds, ewan ko kung bakit. on call lang kayo sa quarters nyo kung may kailangan i-monitor or mag IV insert. yun lang, the rest of the day e tutunganga ka sa kawalan. may mga kasabay kming ibang med skuls like UST, St. Lukes, MCU, Perps, and EAC. ibang iba din sila. wierd nga e, kse sila natotoxic na sa ginagawa nila. tangna magrotate kaya sila sa OM ewan ko kung di sila umiyak. mabait naman sila, pero ayaw ko lang makipagplastikan kaya nga hirap na hirap ako kumilos everytime feel nila na close na kme sa isat isa. hahaha. (sidenote: i went to the adolescent ward kanina, pumasok ako sa quarters to look for my mates, wala sya dun pero may ibang mga clerks na babae andun, sabi nila sa kasama ko CUTE daw ako... sbi naman ng kasama ko sa kanila e bakla daw ako.... haay mga babae nga naman nakakaawa) hahaha.

tom duty ako, i dont know what to expect. parang mapapanis laway ko nito magdamag. magaastang pipe na naman ako. haay! i want to go back to my OM!!!!!!!!!!

BALIK NYO NA KO DUN!

No comments: