funny no? pagpuyatan sa pag aaral, inaantok ako. pagpuyatan sa duty sa ospital, inaantok ako. pagpuyatan sa gimik, inaantok parin ako. pero pag puyatang walang ginagawa, gising na gising ako. punyetang puyatan!
bkit kaya ganun? mahirap makahanap ng taong talagang magmamahal at mamahalin mo. its either, mahal mo pero di ka nya mahal, or mahal ka nya pero di mo sya mahal. di nyo ba napapansin, ang mga couples na parehong nagmamahalan are usually the opposites. like maganda at pangit, pandak at matangkad, mataba at mapayat. pero isa lang mapapatunayan ko, hindi nagkakatuluyan ang matalino at bobo (ok, masyado akong harsh... gawin nating tanga).
sa relasyon ako ung tanga (pero di ako bobo). maraming beses na rin ako nasaktan at ilang beses na rin ako nakasakit ng tao dahil sa "love". but most of the times ako yung talo. siguro di ko pa natututunan kung pano laruin ang pag-ibig. kadalasan isang iglap lang in-love na ko, pero malamanlaman ko na lang na di pala totoo, at least ung nararamdaman nya.
bakit kse may mga taong mabilis magpakita ng motibo. tipong ang sweet sweet, sobrang sweet e gusto mo na iwaksi buhay mo para sa kanya. ewan ko, pero ako nahihirapan ako magpromise sa mga tao, kung alam ko di ko naman magagwa o hindi ko nararamdaman. pero magaling ako magtago ng feelings ko. tipong nasa mukha na kita sa kakaligaw sakin pero hinding hindi ko aaminin sau na mahal na kita. dahil ayoko magmukhang tanga in the end. actually nangyari na sakin un, na sinabi ko pero hindi naman pala. sana about math na lang sinabi ko. importante kse sakin ung alam ko kung san ako sa buhay mo. kung kaibigan mo ko, hinding hindi ako magpapahulog sa yo, pero kung may iba kang motibo, sayo na lang muna yan, kse hindi pa ko handa at ewan ko kung magiging handa pa ko.
masarap magmahal oo, pero masakit din masaktan. masakit isipin na nagpapadala ka ng mga msgs sa kung sino sinong tao pero hanggang dun lang kau, binibigay mo na number mo sa kung sino sinong tao pero di mo naman sila tinetext kse ayaw mo masaktan at umasa, na bka kung magkaigihan e ma in-love ka ulit sa wala. pero ang pinakamasakit e, yung hindi mo maamin sa sarili mo na isang tao lang ang gusto mo makasama sa buong buhay mo, ginago ka man nya o hindi. ito yung taong kahit nasa isang relasyon ka na e, sya pa rin ang hinihiling mo na kasama mo sa oras na un na magkaholding hands kau ng gf o bf mo. siguro nga hindi maiiwasan ang mga gantong sitwasyon lalu na kung ang inaasam asam mo sa buong buhay mo ay isang pagmamahal na magtatagal. subalit gawin mo man lahat, malabo nang mangyari un, kse tatatak sa isip mo ang ginawa nya at maaaring gawin pa nya sa buhay mo.
minsan masarap din mag isa. dun mo mararanasan na kahit mag isa ka, masaya ka. andun ung thrill na wag ipahalata sa mga tao na nalulungkot ka, para maisip nila kung gano ka katibay sa gitna ng kalungkutan at kawalan ng sex life.
ewan ko, pero mahirap magtagalong sa pagsulat ng blog. anu ba nakain ko?
No comments:
Post a Comment