Sa aking pag-iisa, ika'y biglang lumapit
At bago ko namalayan ako'y umibig sa 'yo
Sa isang saglit akala ko'y di na wawakas
Aking mundo'y lumawak at nagpumiglas
At nangarap na parati kang kasama
Sana bawat gabi kasiping ka
Sa himbing ng tulog ko ang panaginip ko'y ikaw
At sa aking paggising ikaw pa rin ang lahat
Ilang taon akong kumapit ng pagkahigpit
Parang malinaw ang lahat kahit nakapikit
At umasa ako na lagi kang kasama
Bata't ang nais kong laging kapiling ka
[Refrain]
Ngunit tamis ng pag-ibig ay pinatatabang ng panahon
Hindi lahat ng kwento'y masayang nagwawakas
At bago ko namalayan di mo na ko kailangan
At ako'y muli ngayong nag-iisa
[Chorus]
Siguro nga umasa akong magtatagal
Ang init ng iyong halik
Naglahong parang panaginip
Ako lang siguro ang nagmahal
(Repeat Refrain)(Repeat Chorus)
Nagmahal... sa 'yo
i cried when a friend of mine posted his on my friendster... why does the world have this kind of songs....
No comments:
Post a Comment