As promise, ito na yung Chronicle kahit nakalimutan ko na nangyari.
What: “KAPAMILYA BLOCK C 2005 SEMBREAK ESCAPADE”
Where:
When: October 22, 2005, Saturday
Who: (Sibs in alphabetical order) – ar, paula, katricia, pam, sheila, inah, Julie, jayson (+ papa andrew), jen, wapi, rachel, ara, frank, enrique, randy, laurice, ramil, jern, tiff.
I – Pangitain
Habang nag-aalmusal si jhon, nahulog daw ang limang piso sa pagkain nya (tama ba rinig ko?). ay, strike no.1! Nabasag naman ng nanay niya ang baso. Strike no.2! ano mangyayari?.....later!
II – ENROLLMENT
Naglalakihan ang mga bag namin. Maaga kami pumasok para matapos agad sa pag-enroll. Unfortunately, hindi makakasama yung iba.
III – DEPARTURE AT 11 am
Tatlong auto. The drivers – jayson, jhon, and ramil (driving nrq’s car).
IV – SA BIYAHENG SLEX
Iba talaga ang hangin pag nasa probinsya ka na. Clear breath sounds!! Langhapin na, since kami lang ang open air na sasakyan at wala nito sa Maynila. Paalala lang, itali nyo na ng maayos ang buhok niyo at humawak kayo ng maigi dahil way to near death ang driving ni frank pero in fairness maingat naman. Samantalang….Wapaw!, Nasira ang makina ng fierra ni frank. His most jinxed place,
V – LUNCH STOPOVER – JAYSON’S RESIDENCE IN BATANGAS AROUND 3PM
Sulit sarap. Dami food, galing nila magluto. Lalo na yung leche flan. Nakita din namin si baby RL, pamangkin ni Jayson na sobrang love niya. Hay, wag
VI - SAAN BA TALAGA? Around 6:30 pm
3 resort ang napuntahan namin bago kami nakapagdesisyon. Feeling ko, kung hindi pa madilim na eh baka maghanap pa ng iba. To compensate para sa mapagtitiyagaan naman na place ay sobrang tinawaran nila yun to P2500 kasama na yung videoke c/o paula and Enrique na heavy drama sa batong tagabantay at laurice and briggs na dinaan sa diplomasya. Videoke kasi ang no.1 na must have in the place. yun first place kasi, walangideoke, mahal at malayo sa dagat un cottage. yun 2nd place naman, pang masa at sobrang mahal. May decking hours pa at 10pm…. yun 3rd place, our place ay ayaw ng iba pero wala ng nagawa. Hehe!!!
VII – DINNER
Masarap na spaghetti with bread or kanin with menudo or beef at lots of softdrinks plus dalandan.
VIII – NON-ALCOHOLIC KAMI
Ngayon lang ako pumunta sa outing na walang inuman… as in! Bonding at peacefulness talaga ang purpose. Hehe! No need for alcohol just to be happy. Saka mas go kami na magkantahan hanggang may 5 pesos. Well, sarap matulog sa tabing dagat. Balak pa nga gawin ni Enrique yun ginawa dun sa love story in Harvard. Haha!! Of course, super sweet ng mga lovebirds. The time of their lives – tiff and ramil, kat and randy and jayson and Andrew.
IX – KANTAHAN
Ganda ng boses ni Andrew in fairness. Ang haba ng buhok ni jayson that night. Kilig ang lola mo!!! Dumating din ang the champions!! Ara as sarah Geronimo. Wapi as Mark Bautista. I forgot the others. Midnight snack at 10 pm. Others, played tong-its.. Kami ni julie natulog na at 10pm kasi puyat kami from the Friday overnight swimming din. Tulog ako so ano nangyari? According to jhon, natalo siya ng queenbee ni randy sa tong its at si AR nakapuntos kay…. Basta masaya siya, sumaya siya…hahaha!
X – UMAGA NA, AT MAY PEDIA PA SA MONDAY
Pero bago ang lahat. Maligo ulit tayo sa dagat na pag-aari na ni Randy patayan. Tama bang umihi para iwelcome ang umaga!!! Tsk, tsk. Anyways, pictorial ulit… since marami kami ay nauna na kaming maligo at kumain ng breakfast. Ang iba, nagpicture taking pa rin, naghubad, nagpasexy, nagpasolo shot. Have you seen enrique’s shots. Front nya lang ang pagiging gay. Lalaki sya talaga!!! Haha! Ikaw ha.
XI – UWIAN NA!
Pero bago ang lahat, kantahan muna uli. Bring back the old days… ang BOY BANDS! Yes, backstreet boys at n’sync.. enjoy na enjoy si AR kasi siya na bahalang kumanta basta may sponsorship… si Nrq, nagpapaka-finesse, ayaw kantahin ang booba song na traditional block C song pag outing. Malaki na daw siya. Asus! At para kay tito tim, kinanta ang picha pie ni kuya frank.
XII – PICTURES, PICTURES AT PICTURES ULI
Dumaan uli kay na jayson para kumain ng leche flan. Reregaluhan niya daw kami sa Christmas ng tigisang yanera. I heard nagyaya si Andrew kay jayson na pumunta sa
XIII – LUNCH SA
Para sa mahaba habang biyahe. Kainan uli… napuno ko yung card nila ng stamps. Actually, nakain ko na after a week yung libre dun… uhmm, hanggang sa pag-uwi ay nag-eedit ako ng pedia history namin na puro bura na. thank you kay ramil, at kay Enrique sa paghatid sa akin. Car wash!!!
Big thanks sa co-sponsors ko ng outing… The October and November celebrants!
The October Celebrants: Jernalyn, Inah Blanca and me
The November celebrants – Ma. Laurice on November 5
Arabelle Coleen on November 9
Ma. Katricia on November 11
HAPPY BIRTHDAY!!! Sibs, sa Christmas uli. Btw, classmates, let us plan our x’mas.
No comments:
Post a Comment